39

Oct 7, 2021 @ 16:38
By

Trillanes babalik sa Senado, aanib kay Robredo

Inanunsyo ni ex-senator Antonio Trillanes IV na tatakbo siya muling senador sa ilalim ng slate ni Bise Presidente Leni Robredo.

“I am so honored to run as Senator under the slate of our next President,” maikling pahayag ni Trillanes sa kanyang Facebook post.

Matatandaang nagkaroon ng plano si Trillanes na tumakbong pangulo kung hindi natuloy si Robredo na kumandidato.

Si Trillanes ay nakatikim na ng dalawang termino sa Senado mula 2007 hanggang 2009.

Siya ay dati ring lieutenant sa Philippine Navy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?