387

By

Trillanes: Bababuyin lang ni Calida ang Ombudsman

Sharing is caring!

Buti na lang umano at tinanggihan ni Solicitor General Jose Calida ang kanyang nominasyon sa Office of the Ombudsman dahil kung siya ang sakaling mapili, baka babuyin lang umano nito ang institusyon.

“Mabuti naman,” reaksiyon ni Trillanes kanina.

Bukod kay Calida, tinanggihan din ni Supreme Court Association Justice Teresita de Castro ang kanyang nominasyon sa nasabing posisyon na babakantehin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hulyo 26.

“Sa akin malaking bagay ‘yan sa ating bansa na hindi nag-apply itong si Calida dahil imagine nyo ‘yan kung papano niya bababuyin ‘yung Ombudsman as an institution,” sabi pa ni Trillanes.

Si Calida ang naghain ng quo warranto petition sa Korte Suprema na nagresulta sa pagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sabi pa ni Trillanes, hindi rin umano ‘good choice’ si De Castro sa nasabing puwesto.

“Eh hindi nga nya ginawa ng maayos yung pagiging associate justice nya sa SC mag-aambisyon pa sya sa Ombudsman. So buti ‘yan. Those are positive developments,” giit pa ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?