82

Sep 23, 2021 @ 12:50
By

Trillanes atat na sa desisyon ni VP Leni

Hinimok ni dating Senador Antonio Trillanes IV is Vice President Leni Robredo na magdesisyon na kung tatakbo o hindi sa pagka-presidente sa susunod na halalan.

Kung hindi tumakbo si Robredo, nakahanda ang dating senador na sumabak sa presidential race sa 2022.

Ginawa ni Trillanes ang apela kay Robredo isang linggo bago ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa 2022 national at local election.

Itinakda ng Commission on Election ang paghahain ng COC mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2021.

“Muli, nananawagan kaming mga Magdalo kay VP Leni na magbigay na ng agarang desisyon ukol sa darating na 2022 elections,” sabi ni Trillanes sa isang statement.

“Kung handa na si VP Leni, ipapanalo natin siya. Kung hindi naman siya tutuloy, nakahanda ang Magdalo,” he said.

Nauna nang sinabi ni Robredo na bukas siya sa pagtakbo sa pag-presidente subalit gusto magkaroon ng coalition talk sa mga potensyal na kandidato para sa panukalang united opposition.

Dati nang nakipag-usap si Robredo sa mga presidentiables na sina Sen. Panfilo Lacson at Manny Pacquiao.

Sabi naman ni Trillanes, malabo nang magkaroon ng unity talks dahil nagdeklara na sina Lacson, Pacquiao at Manila Mayor Isko sa kanilang pagsali sa presidential race.

Aniya, ang tatlo ay hindi mga tunay na oposisyon. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?