102

Feb 14, 2020 @ 12:12
By

Trillanes, 11 pa kinasuhan sa ‘Ang Totoong Narcolist’ videos

Sinampahan ng arrest warrant ng isang korte sa Quezon City si dating Senador Antonio Trillanes at 11 iba pa na inakusahang sangkot sa viral “Ang Totoong Narcolist” videos na nagsabing kabilang ang pamilya ni Presidente Rodrigo Duterte sa bentahan ng iligal na droga sa bansa.

Pinaaaresto ang mga ito sa kasong conspiracy to commit sedition dahil sa naturang videos.

Sabi ng clerk sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138, ayon sa ABS-CBN News, na inisyu ang utos kahapon, Pebrero 13, at may tatlo na umanong nagbayad ng P10,000 pyansa,

Gayunman, tumanggi ang korte na ipakita ang kopya ng dokumento at sabihin ang mga pangalan ng mga nagpyansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?