112

May 11, 2019 @ 11:22
By

Trike vs van: 3 patay, 8 sugatan sa sa Negros Occidental

Overloaded na tricycle ang dahilan ng pagkawala sa kontrol sa manibela na ikinasawi ng tatlong pasahero habang walo katao pa ang sugatan makaraang sumalpok sa paparating na van, kamakalawa ng hapon sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Ayon kay Police Lt. Col. Ervin Glenn Provido, hepe ng Himamaylan Police, nasawi ang tricycle driver na si Kevin Jade Montaño, dalawang pasahero nito na sina Joshua Valdez, 15-anyos at Faith Joy Hontiveros, nasa hustong gulang.

Habang anim pang pasahero ng tricycle ang nasugatan na karamihan ay mga menor de edad at dalawa namang pasahero ng van na sina Danny Boy Sanny at Roy Daguia ang sugatan din sa naganap na salpukan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, overloaded ang tricycle at sinakop pa ang linya ng kabilang kalsada at sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi napansin ng driver na si Montaño ang paparating na van sa kabilang linya at doon na sumalpok ang tricycle at bumangga sa van.

Ayon pa kay Provido, nawalan ng kontrol ang tricycle sa dami ng pasahero nito kaya lumampas sa kabilang linya.

Bagamat kasalanan ng tricycle driver ang aksidente, handa pa ring tumulong ang may-ari ng van sa mga biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?