15

By

Trike driver tumiyempo ng saksak sa dating best friend

Sharing is caring!

Niresbakan ng isang lalaki ang kanyang matagal nang kaalitan at nang makatiyempo ay agad na itong inundayan ng saksak ang trike driver na nakaparada at naghihintay ng pasahero sa terminal sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Luzvimindo Alicaros y Flores, 67-anyos at residente ng 85 Bataw St. Block 38 Welfare Ville Compound, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City na kasalukuyang nakakulong sa Mandaluyong detention cell at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Naganap ang insidente bandang alas-dose, Huwebes ng tanghali sa Bataw St. Block 38 Welfare Ville Compound, Barangay Addition Hills habang nasa terminal ang biktima na si Luigi Convento y Rupisan, 31-anyos, tricycle driver, residente ng 74 Sitaw St. Block 38 Welfare Ville Compound, Mandaluyong City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, matagal nang may alitan ang dalawa na nauwi sa barangayan sa Addition Hills, nang bantaan umano ng suspek ang biktima na papatayin sa hindi pa malamang dahilan hanggang sa magpang-abot ang dalawa at nakita ng suspek ang biktima sa isang terminal at doon na nakatiyempo para gumanti.

Nagtamo ng tama ng saksak sa dibdib ang biktima at agad na dinala sa Mandaluyong City Medical Center aat agad naming nahuli ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?