31
gun
By

Trike driver sugatan sa ligaw na bala

Sharing is caring!

Nagtamo ng sugat ang isang lalaki matapos matamaan ng ligaw na bala sa Lope de Vega corner Tomas Mapua, Sta. Cruz Maynila.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng imbestigador na si PO3 Ryan Punzalan, nakilala ang biktima na si Jay-ar Bunanza, 29 anyos, isang tricycle driver.

Nabatid na nakaparada lang ang si Bunanza sa naturang kalsada pasado 11:00 sabado ng gabi nang matamaan ng bala sa kaliwang binti.

Wala namang nakakita kung sino ang nagpaputok ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima, na agad ding nakalabas ng pagamutan matapos malapatan ng lunas.

Tuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa insidente. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?