16

Jan 20, 2021 @ 15:44
By

Trike driver pinagbabaril ng biker, dedo

Habang tirik pa ang sikat ng araw ay pinaulanan ng bala ang isang tricycle driver sa Pasay City, Linggo.

Nakita sa CCTV kung paano pumanaw si Ricardo Santa Ana, 58 anyos, residente ng nasabing lungsod.

Sakay ng kanyang tricycle, binabagtas ng biktima ang F. Sanchez Street sa Barangay 84 dakong alas-sais ng hapon, Enero 17.

Sinalubong siya ng suspek na sakay naman ng bisikleta at suot ang sumbrero, hoodie jacket, at pantalon.

Nang magkatapat ang dalawa ay pinagbabaril ng suspek si Santa Ana, kaya huminto ang tricycle.

Bumaba ang pasahero sa tricycle habang binalikan naman ng suspek ang biktima, na bagsak na sa sasakyan, at pinagbabaril uli ito.

Tumakas ang gunman sa direksiyon ng Taft Avenue sakay ng bisikleta.

Inaalam pa ng kapulisan ang motibo sa pamamaril sa trike driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?