54
kulong-arrested
Nov 6, 2017 @ 12:52

Trike driver kalaboso sa pag-aamok

Bumagsak sa kulungan ang isang lasing na tricycle driver matapos mag-amok sa may No. 695 Laguna Exit, Brgy. 152, Zone 14, Tondo, Manila.

Inaresto ng mga awtoridad si Weng Angeles, 31 taong gulang.

Ayon sa barangay kagawad na si Jevie delos Reyes, nasa loob siya ng barangay hall nang makatanggap siya ng reklamo mula sa mga concerned citizen na may nagwawalang lasing na may bitbit na bolo.

Dahil sa delikado ang maidudulot ng pag-aamok, agad na rumesponde si Reyes kasama ang iba pang barangay officials para pahupain ang tensiyon.

Maayos naman na nakipagnegosasyon ang lasing at makaraan ang ilang minuto ay boluntaryo itong sumuko sa mga awtoridad.

Ayon kay Angeles, nagdilim na lamang ang kanyang paningin dahil may kaaway siya.

Bukod dito, hindi naman na siya nakapagbigay ng ibang detalye.

Wala namang naitalang nasugatan sa pag-aamok nito.

Dahil sa ginawa, mahaharap ngayon sa kasong breach of peace at illegal possession of illegal weapon ang naaresto. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?