36

Oct 25, 2021 @ 11:12
By

Trike driver binoga ng kainuman

Isang tricycle driver sa San Juan, Batangas ang patay matapos pagbabarilin ng kanyang kainuman nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Edwin Moraleja, 48-anyos.

Ayon sa ulat, kainuman ni Moraleja si Ruel Ilao, isang magsasaka, dakong alas-6:00 p.m. ng gabi sa Barangay Escribano.

Nagkaroon raw ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa kaya’t umalis na lamang si Moraleja sa inuman para umuwi.

Ngunit habang naglalakad ay pinagbabaril siya ni Ilao sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Patay agad si Moraleja habang nakatakas si Ilao.

Kaya naman ikinasa na ng pulisya ang operasyon upang mahanap ang suspek. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?