58

By

Trike driver binaril sa ulo sa maling pagparada

Sharing is caring!

Agaw-buhay ngayon ang isang tricycle driver matapos na barilin sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos magtalo dahil sa maling pagpaparada ng una ng kanyang motorsiklo sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO3 Allan Bangayan, ng Navotas City Police-Homicide Section, ala-una ng madaling-araw nangyari ang insidente sa A. Santiago Street, Barangay Sipac-Almacen ng nasabing lungsod.

Hinatid ng biktimang si Sebastian Larry, 47-anyos, ng Policarpio St., ng nasabing lungsod, ang hindi pa nakikilalang kaibigan niya sa Santiago St., Barangay San Jose sakay ng isang motorsiklo, sandali umanong ibinaba ng biktima ang kaibigan at bumaba rin umano ito at nakipagkuwentuhan sandali sa kanyang hinatid.

Isang lalaki ang dumating at kinompronta ang biktima dahil sa pagpaparada nito ng motorsiklo sa harapan ng kanyang bahay ng suspek na ‘di alam ang pagkakakilanlan. Humingi ng pasensiya ang biktima ngunit hindi tumigil sa pagsasalita ang suspek.

Dito na nagkasagutan ang dalawa at habang nasa pagtatalo ay dumating ang isa pang hindi nakikilalang suspek at pinutukan ng baril sa ulo si Larry saka tumakas.

Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktima ngunit inilipat ng kanyang misis sa Jose Reyes Memorial and Medical Hospital na kinakailangang sumailalim sa operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?