51
gun
By

Trike driver binaril ng kalaguyo ni misis

Target ngayon ng Mandaluyong Police ang kalaguyo ng taksil na live-in partner, dahil matapos mabuking ni mister na magkapatong ang dalawa ay nanakot at nambaril ito sa binti ng nakahuling mister, Sabado ng gabi sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), pinaghahanap ngayon ang suspek na si Kevin Orosa, nasa hustong gulang at residente ng Mandaluyong City na nahaharap sa kasong pamamaril laban kay Adonis Lupido, 32-anyos na tricycle driver.

Naganap ang insidente bandang alas-11:30 ng gabi sa isang bakanteng bahay sa Barangay Addition Hills, kung saan hinahanap umano ng biktima ang live-in partner nito na tinago sa pangalang “Joy” at tinuro ng isang kakilala na nasa isang abandonadong bahay ito kasama ang suspek na nakikipag-inuman.

Agad na pinuntahan ng biktima ang kinaroroonan ni Joy at bumulaga sa kanya ang kapwa hubad na magkapatong na si Joy at si Kevin.

Hindi na nagawang magwala ng biktima sa lugar dahil tinakot at tinutukan siya ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ng suspek, at binaril na siya sa tuhod at agad na tumakas ang suspek

Nagawang dalhin ni Joy ang ka-live in partner sa Mandaluyong City Medical Center saka nagsampa ng kaso laban sa suspek na pinaghahanap ngayon ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?