23

By

Trike ban inihirit ng I-ACT sa LGUs

Sharing is caring!

UMAPILA ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa mga lokal na pamahalaan na istriktong ipatupad ang pagbabawal sa mga tricycles at pedicabs sa mga pambansang lansangan.

Sinabi ni I-ACT spokesperson Aileen Lizada base sa inilabas na memorandum ng DILG noong nakaraang taon, ipinagbabawal ang mga tricycles at pedicabs sa mga national roads maliban na lang kung wala talagang alternatibong kalsada na magagamit.

Dagdag pa ni Lizada ipinagbabawal din sa mga tricycle na magsakay ng higit sa tatlong pasahero.

Banggit nito sa mga isinagawa nilang operasyon para ipatupad ang DILG memorandum, marami silang nahuling overloaded na tricycles, overcharging sa pasahe at walang mga lisensiya o prangkisa.

Ilang araw ng nagsasagawa ng operasyon ang I-ACT sa Katipunan Avenue, Quezon City kung saan marami sa mga tricycle na ginagawang school service ay siksikan ang mga pasaherong estudyante.

Giit ni Lizada ang ginagawa nila ay hindi panggigipit kundi nais lang nilang tiyakin ang kaligtasan ng mga batang estudyante. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?