1,258
Trigger Man pa rin! Caidic pumukol ng 6 tres vs Alaska
By

Trigger Man pa rin! Caidic pumukol ng 6 tres vs Alaska

Lampas 20 taon nang retirado sa PBA si Allan Caidic, ngunit tila wala pa ring pinagbago ang pulso nito pagdating sa three-point shooting.

Sa naging bakbakan sa ‘Return of the Rivals’ nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum, pinatunayan ni Caidic na pang-habambuhay ang bansag sa kanyang ‘Trigger Man’ dahil sa edad na 53-anyos, kayang-kaya pa nitong magpaulan ng malulutong na tres.

26 puntos ang iniskor ni Caidic, anim dito ay mula sa rainbow country na naging dahilan upang maiuwi ang panalo para sa San Miguel kontra Alaska, 96-83, at masungkit din ang Player of the Game honors.

Nakaungos pa ang Alaska sa first half, lamang sa 40-32 ngunit biglang bumuhos ang Beermen sa second half.

Matapos maitabla ng Beermen ang iskor sa 75-all sa fourth canto, nagpakawala ng 16-4 scoring blitz ang SMB tampos ang dalawang tres ni Caidic para tuluyang maselyo ang panalo.

Kanyang nakatuwang sina Denok Miranda na may 17 points at two-time PBA MVP Danny Ildefonso na sumikwat ng tig-14 points at rebounds.

Para naman sa Alaska, nanguna ang dalawang PBA MVP guard na sina Willie ‘The Thriller’ Miller na kumamada ng 20 markers, at Johnny Abarrientos na sumungkit ng double-double, 11 points at 10 boards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?