71

Jan 1, 2018 @ 15:00
By

Trigger-happy na mga pulis-Maynila, sisiyasatin

Nagsasagawa ng pag-iinspection ang pamunuan ng Manila Police District sa labing isang Police Station at sa kanilang mga Police Community Precincts upang ma-check ang kanilang attendance at malaman din kung sinu-sino ang mga pulis na nagpaputok ng kanilang baril sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo layon ng naturang pagsasagawa ng pag iinspection upang ipaalala na mayroong kaakibat na parusa sa mga pulis na nagpaputok ng kanilang service firearms sa pagsalubong ng bagong taon.

Muling binalaan din ni Margarejo ang lahat ng mga pulis na iwasan ang pagpaputok ng baril kung ayaw nilang maasunto na posibleng ikasisibak din sa mga nagpapaputok ng baril.

Naniniwala ang tagapagsalita ng MPD na malaking tulong ang partisipasyon ng publiko upang maging matiwasay ang pagsalubong ng bagong taon at wala pang naiulat na mga pulis na nagpapaputok ng kanilang mga baril.

Giit ni Margarejo kapag napatunayan na mayroong mga pulis na gumamit ng kanilang service firearms sa pagsalubong ng bagong taon posibleng makasuhan ng Administratibo at maaaring ikasisibak ng naturang pulis. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?