29
tricycle-driver
By

Tricycle driver, pinagtataga sa Mandaluyong

Sharing is caring!

Pinagtataga hanggang mapatay ang isang tricycle driver ng isang tumakas na suspek sa hindi pa mabatid na dahilan, kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.

Batay sa report, pumapasada ang biktima na si Darwin Osario y Cortea, nasa hustong gulang, tricycle driver, residente ng Barangay Plainview, Mandaluyong City bandang 1:20 kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Sto. Rosario St., nang biglang lapitan ng suspek na nakilala lamang sa layas na “Chua”.

Ayon sa mga nakasaksi, nakaparada ang suspek sa kanto ng Sto. Rosario nang lapitan at agad na pinagtataga ng suspek. Matapos na makitang nakabulagta na ang biktima ay agad na tumakbo ang suspek dala ang ginamit na patalim.

Subject for manhunt operation ngayon ang suspek na si alyas Chua.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?