52
ABANTE police asset riding in tandem taguig
Jan 30, 2020 @ 16:57
By

Tricycle driver niratrat habang umiihi

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang tricycle driver ng riding-in-tandem sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), unang napatay ang biktimang si Dante Red, 28, ng Block 9, Lot 2, Bistek Ville 1, Molave St., Brgy. Payatas dakong alas-11:08 ng gabi (January 30) sa Payatas Road, QC.

Sa salaysay ng mga testigong sina alyas Alvin at Jaydave, naglalakad sila nang mamataan ang biktima na umiihi sa poste ng kuryente sa lugar.

Maya-maya ay may dalawang motorsiklo umano na may sakay na apat na lalaki ang dumating at agad na bumaba ang isa sa mga back rider at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala sa katawan.

Nang makitang bumagsak ang biktima ay mabilis nang nagsitakas ang mga suspek patungong direksiyon ng Montalban, Rizal, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Samantala, namamasada ang ikalawang biktima na si Jay Perigrino, nasa hustong gulang, at residente ng Novaliches, Quezon City, nang pagbabarilin ng mga din ng mga ‘di kilalang salarin dakong alas-2:00 ng madaling araw (January 30) sa Susano Road, Novaliches.

Ayon sa ina ng biktima na si Marivic, nagpaalam lang ang anak nitong Miyerkoles ng gabi na mamamasada ng tricycle ngunit hindi na ito nakauwi.

May sakay pa umanong babaeng pasahero ang biktima nang isagawa ang pamamaril sa kanya, ngunit masuwerteng hindi tinamaan ang pasahero.

Masusi naman nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen upang matukoy ang motibo ng pagpatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?