21

Sep 28, 2021 @ 14:17
By

Tricycle driver na pusher tiklo sa Maynila

Nasakote ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Maynila matapos makapkapan ng 500 gramo ng hinihinalang shabu.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, naaresto ang kelot sa isinagwang buy-bust operation ng PDEA Regional Office IV-A special enforcement team.

Batay sa report, nahulog sa patibong ang suspek matapos nitong makipagkita sa nagpanggap na buyer niya sa Intramuros.

Nasamsam sa suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P3.4 million ang halaga.

Dahil dito, walang piyansang kaso sa pagbebenta ng droga ang kahaharapin niya. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?