369

Dec 8, 2021 @ 20:59
By

Tricycle driver, buntis nasawi sa salpukan sa Iloilo

Patay ang isang tricycle driver, at isang buntis maging ang sanggol nito matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang traysikel sa pick-up truck sa Iloilo.

Nakilala ang mga nasawi na sina Laurence Hautea, at ang 7-buwang buntis na si Mela Pama.

Ayon sa pulisya, mag-o-overtake sana ang pick-up sa kaharap na malaking truck ngunit bigla itong nawalan ng kontrol kaya ito bumangga sa isang traysikel sa bayan ng Dueñas nitong Miyerkoles ng umaga.

Dagdag pa ng mga ito, dumiretso pa ang pick-up at nabangga ang isa pang truck bago ito sumalpok sa isang vulcanizing shop.

Tumilapon ang mga sakay ng traysikel at malaki ang tinamong sira ng nasabing shop.

Isinugod naman agad ang driver ng traysikel na nagtamo ng malubhang sugat sa ulo, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Habang ang buntis naman binawian din ng buhay at hindi na rin nailigtas ang sanggol na dinadala nito.

Sasampahan naman ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple serious physical Injuries and damage to property ang driver ng pick-up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?