1,559

By

Tricycle driver arestado sa panghahalay sa turistang Irish

Dinakip ang isang tricycle driver dahil sa panggagahasa umano sa isang turistang Irish national sa El Nido, Palawan noong Pebrero 13.

Kinilala ang suspek na si Perry Daquer Gaspe, 39, tricycle driver, ng Sitio Proper, Barangay San Fernando, El Nido.

Ayon sa police report, nag-book ng kuwarto ang biktimang itinago sa pangalang “Claire”, 21, isang turistang Irish, sa isang hostel sa Barangay Maligaya matapos dumalo sa party kasama ang kanyang mga kaibigan.

Inupahan ng tatlong magkakaibigan ang tricycle ni Gaspe patungong hostel.

Hiwalay umano ang hostel ng mga kaibigan ni Claire sa hostel niya kung saan ang biktima ang huling hinatid ng suspek.

Nang makarating sa hostel ni Claire dakong alas-kuwatro ng madaling-araw, inalok umano ng driver ang biktima na tulungan ito dahil sa lasing na umano ang una.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay sasamantalahin pala ni Gaspe ang kalasingan niya.

Ginahasa umano ni Gaspe si Claire sa madilim na bahagi malapit sa hostel.

Matapos ang kahalayan ay tumakas ang suspek pero nahuli ito sa isinagawang manhunt operation.

Mahaharap si Gaspe sa kasong paglabag sa Anti-Rape Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?