18
Abante-VisMin-Radar-dump-truck
By

Tricycle dinaganan ng truck, 3 pisak

Sharing is caring!

Agad namatay ang isang mag-ina at isa pang babae nang madaganan ng dump truck ang sinasakyan nilang tricycle sa Taguig City kaninang alas-dos ng hapon.

Base sa impormasyon mula sa City Disaster Reduction and Management Office, ang mga nasawi ay si Corita Licop, 31; anak nitong si Miguel, 4, at ang pasahero pang si Ana Sarmiento.

Samantala, ang tricycle driver na si Ruel Licop ay isinugod sa Taguig-Pateros District Hospital dahil sa tinamo nitong pinsala sa katawan.

Nabatid na ihahatid ni Licop ang kanyang mag-ina sa eskuwelahan at binabagtas nito ang bahagi ng MRT Avenue sa Barangay Hagonoy nang makasalubong ang dump truck.

Sinabi ng mga nakasaksi sa insidente na tila nag-alangan sa pagliko ang driver ng dump truck kaya’t tumagilid ito at bumagsak sa tricycle na sinasakyan ng mga biktima.

Nagdulot ang aksidente ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: