65

Jan 26, 2021 @ 20:14

Tribute kina Kobe, Gianna sa Taguig napansin ng Lakers

Napansin ang pinaghirapang tribute ng Tenement Visual Artists sa Taguig para sa mag-amang Kobe at Gianna Bryant sa unang anibersaryo ng kanilang kamatayan kahapon.

Jan. 26 noong isang taon sa Calabasas, California, bumagsag ang sinakyang helicopter ng mag-ama. Patay lahat ang sakay ng chopper, kasama ang piloto at anim na iba pa.

“A lot of love for Kobe and Gigi from the Philippines,” tweet ng @LakeShowCP.

Malinaw sa mural ang larawan na nakangiti ang mag-ama.

Kasama rito ang yakapan nila sa huling All-Star appearance ni Kobe.

Minsan na ring tumapak si Kobe sa Tenement court sa isa sa mga pagbisita ng Lakers legend sa Manila.

“As we commemorate the 1st year Death Anniversary of the legendary basketball star Mr. Kobe Bryant, the Black Mamba and his daughter Gianna ‘Gigi’ Bryant (Mambacita), Tenement Visual Artists and Nippon Paint coatings Philippines, Inc., once again, pays tribute by creating another mural dedicated to their family, friends and fans at one of the most famous basketball court in the world, Tenement Taguig City, Philippines,” post ng grupo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?