11
113
By

Triathletes na pamilyang Ramos may gold, silver, bronze sa ‘113’

Sharing is caring!

Nakapagbigay ng apat na medalya ng karangalan sa bansa ang Baguio-Benguet triathletes na dumayo noong Mayo 5 sa Desaru, Johor, Malaysia upang bumahagi sa ‘113 Triathlon’.

Pinangunahan ang ragasa ng Ibaloy triathletes ng pamilyang Ramos nang magbida si Jet sa overall men’s age group sa sa pagtapos sa 2K swim, 90K bike, 21K run race sa limang oras at 56 na segundo.

Ang anak niyang 11-anyos na si Dash sumegunda sa 300M swim, 10K bike, 2.5K run mini sprint boy’s division sa 40:44, at ang nakabiyak niyang si Lou Ann tumersera sa female sprint division 750M swim, 20K bike, 5K sa 1:40:00 clock.

Pangatlo rin si Raul Gaerlan sa male 45-54 age group veteran category sa 5:24.

At lumagak sa top 10 ng 35-44 sina Mickey Salada sa 5:36 at si Tephen Zarate sa 25-34 sa 6:10.

Nasa radar ng mag-ang Ramos ang PSC 9th Philippine National Games 2018 sa Cebu sa Mayo 19-26, habang tengga muna ang misis niya sa paghahanda naman para sa papasok na buwang ‘Escape from Alcatraz Triathlon’ sa San Francisco, California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?