23

Nov 6, 2021 @ 23:52
By

Tres ni Thirdy kabyos, San-En silat ng Shibuya

Nahatak na rin ng malas si Thirdy Ravena nang yumuko ito sa SunRocker Shibuya, 70-64, sa 2021-2022 Japan B.League sa Aoyama Gakuin Memorial Hall, Sabado ng gabi.

Masaklap ang pagkakatalo ni Thirdy at koponan niyang San-En NeoPhoenix dahil nasayang ang early 18-point lead nila kontra Shibuya.

Tanging 4 puntos, 3 rebounds, 1 assist at 1 steal lang naambag ni Thirdy.

Mababaliktad sana ni former Ateneo Blue Eagle star ang laban kung naipasok niya ang go-ahead trey sa natitirang 1:09 mark ng 4th stanza.

Naging pasabog kasi ang laro ng alas ng SunRocker na si James Michael McAdoo matapos maglista ng 31 points at ang 9 dito ay sa 4th quarter niya naibulsa.

Hawak ngayon ng San-En ang 3-7 baraha habang ang Shibuya ay angat sa 6-3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?