13
views

By

Tres ni Grey nagpabilib kay Jarencio

Sharing is caring!

Maraming isinablay na open shots si Jonathan Grey, pero hindi nasiraan ng loob.

At sa kanyang huling pukol, pumasok ang 3-pointer mula sa sulok para isalba ang GlobalPort 114-113 kontra Rain or Shine sa Smart Araneta Coliseum Martes ng gabi.

Nasagad ang twice-to-beat edge ng Elasto Painters sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup, magsasagupa ang dalawa sa do-or-die game ngayon sa MOA Arena taya ang isang tiket sa semifinals.

At si Grey, nakasiguro na ng mas mahabang playing time sa rotation ni coach Pido Jarencio.

“May playing time (si Grey) andun, at the same time nag-deliver,” ani Jarencio sa kanyang guard. “For sure, priority na siya sa rotation natin.”

Binalasa ni Jarencio ang starting lineup, unang ginamit sina Grey, Stanley Pringle, Bradwyn Guinto, Nico Elorde at Malcolm White.

Bago ang game-winning 3 ni Grey, 2 for 6 lang siya sa labas ng arc at 5 of 8 sa free throws. Mintis pa siya sa panabla sanang freebie.

“Ang dami ko na-miss, 3-point shot, free throw, lahat open,” bulalas ni Grey. “Pero tinulungan ako ni Stanley tsaka nina coach Pido, si (assistant) coach Rensy (Bajar). Sabi nila, ‘Itira mo lang nang itira, ‘wag mo isipin ‘yung sablay.’ ‘Yung coach mo kinakausap ka ng ganun, magiging confident ka talaga. Maglalaro ka ng maganda kasi binibigay niya sa’yo ‘yung tiwala.”

Sa naunang play, pinasa ni Grey ang bola kay Sean Anthony pero nagka-turnover.

“Sabi ko, the next time na makuha ko ‘yung bola, ititira ko na. Bahala na. Kung sablay, sablay,” dagdag ni Grey.

Napunta nga sa kanya ang last possession ng Batang Pier, ibinato sa sulok at pumasok. Buhay pa ang GlobalPort.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?