11

By

Tres ni George, pampanalo ng Thunder vs Nets

Sharing is caring!

23 puntos ang hinabol ng Oklahoma City Thunder, at sa dulo, tinapos ni Paul George ang laro sa pagkonekta ng isang humahagupit na three-pointer.

Sa naging laban ng Oklahoma kontra Brooklyn Nets, nakatakas ng 114-112 victory ang una para itakda ang pinakamalaking comeback win ng prangkisa sa NBA.

3.1 segundo ang natitira sa laban, lamang ang Nets ng isa, 111-112, habang tangan ng Thunder ang bola.

Si Russell Westbrook ang gumawa ng play, nakita si Paul George sa top arc at inangat ang bola matapos ang isang fake, matapos ay swak sa ring ang naging kinalabasan ng tira para sa kanyang ika-47 puntos sa laro.

Samantala, humagupit din ng triple-double performance si Westbrook, may 21 points, 17 assists at 15 rebounds para maungusan si Jason Kidd sa third place sa triple-double all-time leaders.

Dahil sa panalo, pinagtibay ng Thunder ang kapit sa ikalawang pwesto sa Western conference na may 16-7 win-loss record, samantalang sadlak naman sa 12th spot ang Nets sa 8-18 kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }