365

By

Tres ni Dela Rosa, ‘di dapat counted – ROS coach Garcia

Isang tagpo sa do-or-die semis game ng Rain or Shine at Magnolia ang pinag-usapan dahil sa buzzer beater ni Rome dela Rosa.

Sa fourth quarter, tabla ang laban 50-all, lampas tatlong minuto na lang ang nalalabi sa laban nang isalpak ni Magnolia guard Dela Rosa ang isang tres na nagpalamang sa kanyang koponan.

Ngunit nang i-review ng mga miron ang tira, nakita sa shot clock na zero na ang oras.

Natapos ang laro, panalo ang Magnolia, 63-60 sa OT.

“When he made it, it was disappointing. I felt that it shouldn’t have been counted,” ayon kay Rain or Shine coach Caloy Garcia.

Aniya pa posibleng naging iba ang resulta ng laro kung hindi lang nai-count ang tira ni dela Rosa.

“If it didn’t count, we could have won. Pero hindi rin natin alam, e. Ganun talaga,” aniya pa.

Ngunit hindi naman na ito ininda ni Garcia, dapat na lang umanong tanggapin ang resulta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?