37

Oct 17, 2020 @ 14:08
By

Tren patungong Bicol kumalas sa riles

Humambalang sa Maharlika Highway ang isang tren ng Philippine National Railways (PNR) matapos na madiskaril ito sa riles nitong Sabado ng umaga.

Hindi madadaan ng mga motorista ang bahagi ng naturang highway sa Brgy. Lagyo, Gumaca, Quezon dahil sa naturang insidente.

Biyahe pa-Bicol ang tren nang kumalas ito sa riles, na ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Gumaca ay posibleng dahil sa paglambot ng lupa na nilatagan ng riles.

Pinadadaan muna sa Gumaca Diversion Road ang mga motorista hangga’t hindi pa naaalis ang tren sa kalsada.

Wala namang napaulat na nasaktan sa naturang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?