238

Apr 13, 2020 @ 16:41
By

Tren ng PNR hinarang sa Calamba, Laguna

Hindi pinatawid sa isang barangay sa Calamba, Laguna ang tren ng Philippine National Railways (PNR).

Sa video sa social media, makikita na hinarang ng mga residente ng Calamba ang tren dahil sa pinapatupad na lockdown sa buong Luzon.

Maririnig sa video na wala umano silang natanggap na abiso ukol sa pagbiyahe ng nasabing tren.

Paliwanag naman ni PNR spokesperson Joseline Geronimo, nagsasagawa lang umano ng maintenance at inspeksyon ang sakay ng nasabing tren sa kanilang railway.

Saad nito na hindi dapat harangan ng mga residente ng barikada ang mga riles ng tren.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?