58

Jan 13, 2019 @ 12:52
By

MRT tumirik, 75 pasahero pinalipat

Nagkaroon ng ‘electrical failure’ ang isang tren ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) na may sakay na 75 pasahero nitong Linggo ng umaga.

Pinababa ang mga pasahero sa southbound section ng Kamuning Station ganap na 6:27 ng umaga.

Ayon sa report ng MRT-3, ang pagka-diskarel ng tren ay dahil sa “worn out electrical sub-components” tulad ng insulator, regulator, at main chopper.

Samantala makalipas ang 2 minuto ay nakasakay ang mga pinababang pasahero sa sunod na tren.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?