18

By

Tren na Hello Kitty sa Japan, umarangkada na

Sharing is caring!

Nagsimula nang bumiyahe nitong Sabado sa Osaka at Fukuoka ang bullet train na may temang Hello Kitty sa Japan.

Bibiyahe umano ito sa Japan na magkokonekta sa kanluran at timog hanggang Setyembre.

Ang tren ay may kulay na pink at white, may imahe ng Hello Kitty at trademark nitong ribbons mula sa flooring hanggang sa cover ng upuan at bintana.

Ginawa ang Hello Kitty ng kumpanyang Sanrio ng Japan noong 1974.

Mula noon ay nakilala na ito at tinangkilik ng fans. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?