470

Jan 22, 2019 @ 22:22
By

Tren na gawang Pinoy, aarangkada sa Marso

Ipinagmalaki ng Department of Science and Technology (DOST) ang hybrid electric train na gawa nila, na kaya umanong magsakay ng nasa 650,000 na pasahero kada araw.

Binuo umano ito ng Metals Industry Research and Development Center ng DOST at ibibiyahe sa Philippine National Railways (PNR).

Ito umano ang kauna-unahang Philippine-made train na may limang bagon at 60 metro ang baha.

Pinapatakbo ito ng electric-powered battery.

Para masiguro umano ang kaligtasan ng mananakay ay susubukan muna itong ibiyahe at depende sa magiging resulta ng test, sisimulan na ang operasyon nito sa pagitan ng Marso at Hunyo na may rutang Tutuban hanggang Alabang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?