121

By

Tren bumangga sa railway engine: 9 patay

Isang high-speed train ang sumalpok sa isang railway engine at matapos ay bumangga din sa overpass sa Turkey.

Siyam na katao ang nasawi sa insidente habang dose-dosena pa ang sugatan.

Ayon sa report ng BBC News, alas-6:30 ng umaga nang bumangga ang tren sa railway engine matapos ay sumalpok naman ito sa pedestrian overpass sa Marsandiz station.

Patungo umano ang tren sa Konya nang bumangga sa nagsasagawa ng inspeksiyon sa riles ng istasyon.

Kinailangang sagipin ang mga pasahero na na-trap sa nayuping metal.

46 katao umano ang nasaktan sa banggaan.

Kasalukuyan na umanong iniimbestigahan ang dahilan ng insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?