38

Jan 15, 2021 @ 0:22
By

Treaty vs. Nuclear weapon magpapalakas sa WPS arbitral ruling – Tolentino

Inihayag ni Senador Francis Tolentino na ang pagiging State Party to the Treaty on the Prohibition of Nuclear Weapons (TPNW) ng Pilipinas ay makakatulong sa territorial claim ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) na kinilala at kinatigan sa pamamagitan ng 2016 arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations na pinamumunuan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel, nanawagan si Tolentino sa Department of Foreign Affairs (DFA) na gumawa ng paraan para ideklara ang posisyon ng Pilipinas sa WPS sa oras na katigan ng Senador ang TPWN at ang magiging State Party ang bansa.

Sa ilalim ng tratado, ayon kay Tolentino, ang State Party ay may obligasyon na magdeklara kung may nuclear weapon o iba pang nuclear explosive device sa teritoryo o anumang lugar sa na pag-aari o kontrolado bansa.

“Such declaration must be submitted to the Secretary General of the United Nations (UN) not later than 30 days after the treaty enters into force for a State Party,” sabi ni Tolentino.

Kung ang Pilipinas ay isa nang State Party, maaring impormahan nito ang UN Secretary General na may rasonableng dahilan para paniwalaan na ang man-made structure ay may kakayanang mag-host ng nuclear armament bilang milifary facility.

“The Philippines has much to gain from becoming a State Party to ensure a regime of peace and nuclear free region of amity and cooperation,” sabi ni Tolentino.

Bagama’t kayang alisin ng TNPW ang banta o paggamit ng nuclear weapon, binigyang-diin ni Foreign Affairs Assistant Secretary Igor Bailen na ang tratado ay makakadagdag ng stigma o mantsa laban sa nuclear weapon at maglalagay sa international pressure sa limang permanenting miyembro ng UN Security Council, kabilang ang China, at iba pang nuclear weapon na mga bansa para talijuran ang naturang mga sandata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?