33

Sep 8, 2021 @ 11:34
By

Travis Scott muling umiskor, Kylie Jenner tesbun uli

Magiging big sister na si Stormi.

Kinumpirma na kasi ng kanyang ina na si young billionaire Kylie Jenner na nagbubuntis siya sa ikalawang pagkakataon kay American rapper Travis Scott.

Makikita sa isang video na ibinahagi ng socialite sa Instagram ang positive niyang pregnancy test at ang paglalabas-masok nila ni Travis sa isang OB-GYNE clinic.

Nag-abot naman ng pagbati ang kanyang mga kapatid na sina Kendall, Khloe, Kourtney at Kim.

Kendall Jenner: “I can’t handle it”

Kourtney Kardashian: “Crying this is so beautiful my blessed angel sister”

Kim Kardashian: “Crying!!!!”

Khloe Kardashian: “🥺🥺🥺🥺🥺”

Kasalukuyang 3 anyos na ang unang baby nila ni Travis na si Stormi Webster.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?