34

Nov 8, 2021 @ 16:15
By

Travis Scott diniin sa Houston concert stampede

Isa sa mga nasugatan sa stampede sa Astroworld Festival nitong Sabado (oras sa Pilipinas), ang nagsampa ng kaso laban sa rapper at producer na si Travis Scott at entertainment company na Live Nation.

Ayon sa ulat ng CNN, desidido si Manuel Souza na kasuhan si Scott at ang mga nag-organisa ng concert dahil hindi umano nito na-plano nang mabuti ang kaligtasan ng mga manonood sa naturang concert.

“Defendants failed to properly plan and conduct the concert in a safe manner,” saad sa lawsuit. “Instead, they consciously ignored the extreme risks of harm to concertgoers, and, in some cases actively encouraged and fomented dangerous behaviors. Their gross negligence caused Plaintiff serious injuries.”

Aabot umano sa $1,000,000 ang hinihingi ni Souza sa kampo nina Scott bilang bayad sa mga natamo niyang sugat sa naturang stampede.

Matatandaang sa naturang concert ay walo ang nasawi habang dose-dosena pa ang nasugatan.

Iniimbestigahan din kung dinedma lang ba ni Scott ang nangyaring stampede habang nagtatanghal siya sa entablado.

Batay sa ulat, alas-9:00 p.m. nagperform si Scott, ngunit 30 minuto matapos nito ay may mga naiulat nang sugatan dahil sa tulakan.

Nagperform pa umano si Scott hanggang alas-10:10 p.m. ng gabi, o 30 minuto bago idineklara ng mga awtoridad na marami na ang nasugatan sa stampede.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?