83

Nov 6, 2018 @ 21:53

Travis naka-triple double, Magnolia pasok sa semis

Abante na sa semifinals ang Magnolia Pambansang Manok, na matagumpay na dinispatsa ang Blackwater Elite, 103-99, sa kanilang quarterfinals match nitong Martes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Naging mainit si Magnolia guard Paul Lee, na nakakamada ng 22 puntos at 12 rebounds, samantalang triple-double naman ang sinukbit ng 18 points, 20 rebounds at 12 assists.

Nabuhay naman ang beteranong si PJ Simon, na nakakonekta ng apat na tres, para maabot ang 16 puntos para sa Hotshots.

Natapos ang season ng Elite na humugot ng 11 points pataas mula sa limang players sa pangunguna ng 18 ni Henry Walker.

Inagaw ng Blackwater ang kalamangan sa 2:35 minuto ng laro, 96-95, sa bisa ng free-throw ni Allein Maliksi, ngunit kaagad na binawi ni Ian Sangalang sa kanyang layup at split charity, 98-96.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?