33

By

Travis may sakit pa, Lee balik agad kahit nabungian

May apat na araw na nagpahinga si Romeo Travis tapos abutin ng sprained ankle sa 90-89 loss ng Magnolia sa San Miguel Beer nitong Biyernes.

‘Di na tinapos ni Travis ang laro, huli pa siyang lumabas ng MOA Arena dugout. Naka-wheelchair na siya noon.

“It’s a little swollen, we’ll find out more tomorrow,” pahayag ni Travis.

Medyo malayo ang dugout sa parking area, ‘di na naglakad ang import para ‘di lumala ang injury.

Nagpatingin siya sa doktor kinabukasan

“We’re gonna wait till tomorrow before we make any judgment,” dagdag niya. “It hurts but we don’t know how serious.”

Hindi lang si Travis ang nasaktan sa larong ‘yun.

Nalagasan din ng ngipin si Paul Lee – ang parehong ngipin na dati nang nasiko at nabasag.

Puma-fastbreak si Lee, umangat na pero hinabol ni Dez Wells. Bagsak ang Hotshots guard, tumama ang mukha sa floor.

Kinabukasan ay nakipag-appointment din si Lee sa dentista.

Nasa sixth place ng PBA Governors Cup ang Magnolia sa 3-2 card, kabuhol ang Columbian.

Mas malamang na makalaro na si Lee sa dayo ng Hotshots sa Ynares Center, Antipolo para harapin ang 1-3 Blackwater sa second game mamaya. Si Travis ang game-time decision pa.

Ibinalik din ng Elite si Marqus Blakely kapalit ni Aaron Fuller na nakaisang laro lang.

Tumapos si Travis ng 31 points, 12 rebounds sa huling laban, may 22 markers si Lee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?