59

Oct 4, 2019 @ 11:06
By

Travis, Magnolia tatasahan si Locke

Itutuloy ng Magnolia ang title defense kontra Rain or Shine sa second game mamaya sa MOA Arena.

“We learned a lot from our last game, same scenario, we were in control for 36 minutes but this time we held on all the way through,” lahad ni Hotshots coach Chito Victolero.

Medyo mangangapa lang ang Hotshots dahil ‘di pa kabisado ang laro ng bagong import ng Elasto Painters na si Kayel Locke, pumalit kay Joel Wright.

Bibinyagan ni Romeo Travis si Locke, naglibot na sa paglalaro sa iba’t ibang panig ng mundo huli sa Malaysia.

Sa bounce-back win, pasabog ng 37 points sa second quarter ang Magnolia at ‘di na bumitaw hanggang tambakan ang Batang Pier.

Nagsumite roon ng career high-tying 28 points si Ian Sangalang, pinaglaruan ni Travis ang triple-double sa 17 points, 12 rebounds at 9 assists. Nagdagdag pa si Mark Barroca ng 16 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?