25

By

Travis, Magnolia babakuran ang korona

Magbabalik si Romeo Travis sa Magnolia para idepensa ang titulo ng PBA Governors Cup.

Plano pa ng Pambansang Manok Hotshots na papuntahin sa Manila nang mas maaga si Travis para magamay ang sistema ng team.

Wala namang problema maliban sa crash course siguro, dahil epektibo si Travis nang giyahan ang kampanya ng Magnolia hanggang titulo.

Kinalos ng Hotshots ang Alaska at si Mike Harris sa anim na laro sa finals para itaas ang kampeonato, una ng prangkisa makalipas ang apat na taon.

“I’m coming back… @magnolia hotshots,” caption ni Travis sa photo niya sa Instagram suot ang dating Hotshots jersey.

August 20 ang inaasahang dating ni Travis, isang buwan bago ang opening ng season-ending tourney sa Sept. 20.

Sa Aces unang naglaro si Travis, 34, noong 2015.

“Yes, Travis kami,” simpleng tugon ni coach Chito Victolero nang matanong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?