122

By

Travis, Lee nag-init, Magnolia nakauna sa Ginebra

Sharing is caring!

Naitakas ng Magnolia Pambansang Manok ang first game ng semis kontra Ginebra, 106-98, Sabado ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Dehado pa ang Hotshots sa third quarter, 14 puntos ang kailangang bunuin para muling makabalik sa laro.

Ngunit pagpasok ng 4th, tila nag-iba ang ihip ng hangin at rumatsada na ang Magnolia.

Nagtulong sina Magnolia import Romeo Travis at Paul Lee para pasimulan ang 10-2 run para makaabante sa Kings.

Tumapos ang tropa ni LeBron James na si Travis ng 37 puntos at 16 rebounds, habang may 27 markers naman si Lee.

Giniya naman ni Justin Brownlee ang Ginebra tangan ang 37 puntos, 14 rebounds at walong assists.

Susubukang makadale ng 2-0 ng Hotshots sa Lunes sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?