13

Apr 28, 2021 @ 12:12
By

Travel ban sa India sakop mga Pinoy – DOH

Kasama rin sa mga biyahero galing India na pagbabawalang pumasok sa Pilipinas ang mga Pinoy na nakatira sa nasabing dayuhang bansa.

Magtatagal ang travel ban ng bansa sa India mula Abril 29 hanggang Mayo 14.

“Napag-desisyunan that even our fellow Filipinos, hindi muna natin papapasukin for this temporary period,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online briefing, Miyerkoles.

“This is just so that we can be able to ensure na ma-guard natin ‘yung borders natin,” punto niya pa.

Pinatupad ang ban matapos sumirit ang mga kaso ng COVID-19 sa India na pinaniniwalaang dulot ng B.1.617 o “double mutant” COVID-19 variant doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?