10
views
airplane-booking
By

Travel agent, buking sa panloloko sa ‘plane ticket booking’

Sharing is caring!

Swak sa kulungan ang isang travel agent na nanloko sa ‘booking’ para sa plane ticket makaraang madakip sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Quezon City Police District (QCPD) sa nasabing lungsod.

Iniharap sa media ni QCPD Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar ang suspek na si Arlene Germanda Calbonero, 47, umano’y travel agent at residente ng No. 13-C Mabuhay St., Brgy. Central, ng nasabing lungsod.

Si Calbonero ay nadakip sa entrapment operation makaraang makipagkita sa biktima sa Cafe Tribu sa Panay Ave., QC, dakong alas-3:40 ng hapon nitong Abril 10, 2018, para kunin ang hinihinging karagdagang P120,000.

Batay sa report, nitong Abril 10, 2018, si Ma. Rizalina Buenajeda Hombe, 47, ng Brgy. Culiat, QC, ay nagreklamo sa DSOU na pinamumunuan ni P/Supt. Rogarth Campo laban sa panloloko sa kanya ni Calbonero sa ‘booking’ sa sasakyang eroplano kaya naman agad na nagsagawa ang mga ito ng entrapment operation laban sa nasabing travel agent.

Sa reklamo ni Hombe, noong Enero 15, 2018, nagpunta umano siya sa bahay ng suspek na nagpakilalang travel agent ng Eva Air and Aero Mexico at nag-pa-book siya para sa April 11, 2018 departure flight patungong Los Angeles, USA.

Nagbayad umano si Hombe kay Calbonero ng halagang P248,500 para sa round trip plane ticket at binigyan pa umano siya ng official receipt at ang iskedyul ng kanyang pag-alis ay sa Abril 11, 2018.

Nalaman lamang ng biktima na ‘invalid’ ang ibinigay sa kanyang plane ticket ng suspek nang i-check niya ito sa Eva Air and Aero Mexico nitong Abril 6, 2018, matapos na muli siyang hingan ng karagdagang P120,000.

Inihahanda na ang kasong estafa laban sa nasabing travel agent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?