39

Nov 4, 2017 @ 12:00

Travel advisory ng Australian Embassy, naulit lang — AFP

Naulit lang ang travel advisory na inilabas ng Australian Embassy.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Restituto Padilla, kapareho ito ng travel advisory na inilabas ng Australian Embassy noon pagkatapos ang nangyaring giyera sa Marawi City.

“The AFP has verified the matter with the Australian Embassy and has found out that the travel advisory is a reiteration of previous travel advisory issued earlier in May,” sabi ni Padilla.

Nakasaad sa travel advisory ng Australian Embassy na pinag-iingat nila dito sa bansa ang kanilang mga kakabayan dahil sa may high threat of terrorist attack sa Pilipinas partikular sa Manila matapos ang panggugulo ng Maute ISIS terrorist group sa lungsod ng Marawi.

Sa ngayon, panawagan ni Padilla sa publiko na huwag matakot o mangamba sa lumabas na travel advisory. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?