393

Sep 5, 2019 @ 10:02
By

Tratter sinungkit ng Alaska, Cruz binitawan

Nakakuha ang Alaska Aces ng mapapakinabangang big man sa pagsungkit kay rookie Abu Tratter.

Ang naging kapalit? Ang three-year forward ng Alaska na si Carl Bryan Cruz.

Base sa report ng Spin.ph, hindi pa naaaprubahan ang nasabing palit-tao ngunit magsisimula na ang dalawa na mag-ensayo sa mga bagong team, si Cruz sa Blackwater.

Ang trade ay pangalawa na ngayong offseason para sa Alaska, unang pinamigay si Ping Exciminiano para sa ROS guard Maverick Ahanmisi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?