133
ABANTE-TNT jones bridge traslacion 3k peace devotees
Jan 9, 2018 @ 12:54
By

Traslacion, nananatiling payapa; mga deboto umabot na sa 3 libo – NCRPO

Nananatiling payapa ang ginagawang traslacion ng Poong Itim na Nazareno, batay sa monitoring ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO spokesperson Police Chief Insp. Kimberly Molitas, hanggang alas-11:00 kaninang tanghali umaabot na sa 274,000 deboto ang nakikiisa sa traslacion.

Aniya, sa kasalukuyan nasa Jones Bridge na ang pinakaunahan ng traslacion, gitna nito ay nasa may Bahagi ng P. Burgos at ang dulo ay nasa Mehan Garden sa P. Burgos.

Habang aabot na sa 150,000 deboto ang dumadalo sa misa sa Quiapo Church hanggang alas-11:00 ng tanghali kanina.

Wala rin daw naitatalang sugatan sa nagpapatuloy na pag-usad ng andas. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?