142

By

Traslacion 2019 nasalaula ng basura

Nadismaya ang environmental group EcoWaste Coalition sa tambak ng basurang naiwan sa dinaanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno nitong Miyerkoles.

Anila, parang dumaan lang sa tenga ng mga deboto ang kanilang panawagan na basura-free na Traslacion.

“Our public appeal for a trash-less Traslacion has again fallen on deaf ears. Many people unashamedly threw their garbage anywhere turning the parade ground fronting the Quirino Grandstand into a dumping ground,” ani zero waste campaigner Daniel Alejandre sa isang pahayag.

Kabilang umano sa itinapon na lang sa Rizal Park nang alisin ang karwahe ng Black Nazarene sa Quirino Grandstand ay ang mga plastic bottle na puno ng ihi, nakakadiring diapers, wipes, makeshift beddings, lalagyan ng pagkain at tira-tirang pansit, cup noodles, instant coffee sachets at cigarette filters.

Bultong basura rin umano ang iniwan ng mga pamilya na namalagi sa Rizal Park para sa overnight vigil.

Samantala, nagpasalamat naman ang grupo sa mga miyembro ng Metropolitan Manila Development Authority, Department of Public Works and Highways, Manila’s Department of Public Services at iba pang volunteers na tumulong sa paglilinis sa mga daan habang ginaganap ang prusisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?