142
ABANTE-TNT pagasa traslacion maulan 2018
Jan 9, 2018 @ 13:49

Traslacion 2018, posibleng ulanin – PAGASA

Sa mga hahabol sa prusisyon ng Itim na Nazareno, inaabisuhang magdala ng payong dahil sa posibleng ulanin ang traslacion, na habang isinusulat ito ay nasa Dasmariñas Street na sa Maynila.

Ayon sa PAGASA, alas-dos ng hapon ngayong araw hanggang gabi ay makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila, Visayas at ilang bahagi ng Mindanao dahil sa localized thunderstorm.

Kalat-kalat din na pag-ulan ang mararanasan sa Aurora, Quezon, Bicol, CARAGA, Davao Region at Soccsksargen dahil naman sa Easterly.

Maghahatid naman ng ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos Region at ilan pang bahagi ng Central Luzon ang Amihan.

Sa Baguio City ay 40 porsiyento ang tiyansa ng ulan, 50% sa Bohol, at 90% sa Cagayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?