12
views

By

Traslacion 2018: No sail zone paiiralin Manila Bay

Sharing is caring!

Magpapatupad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng “no sail zone” sa bahagi ng Manila Bay malapit sa Quirino Grandstand bilang bahagi pa rin ng inilatag na seguridad para sa Traslacion 2018.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, ang no sail zone ay ipatutupad sa bahagi ng Manila Bay isang kilometro mula sa likod ng Quirino Grandstand mula ala-singko ng hapon ng January 7, araw ng Linggo hanggang sa makausad ang traslacion.

Ibig sabihin, walang anumang sasakyang pandagat na papayagang makapasok sa loob ng “no sail zone.”

Magpapatupad naman ng “control zone” ang PCG sa ilalim ng Jones Bridge.

Paliwanag ni Balilo, kung talagang hindi maiiwasan na maglayag sa Pasig River sa ilalim ng Jones Bridge ay eescortan na lamang sila ng PCG.

“Control zone ang ilalim ng Jones Bridge, e-escortan sila ng PCG but as a rule walang maglalayag,” saad ni Balilo.

Dagdag pa ni Balilo, 38 sasakyang pandagat ang ipakakalat sa Jones Bridge, Quirino Grandstand at McArthur Bridge.

Dalawampu’t anim ay mula sa PCG, pito mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), apat mula sa Philippine Red Cross at isa mula sa PNP Maritime Group. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?