DOH
By

Traslacion 2018: Mga ospital sa Maynila naka-code white alert

Sharing is caring!

Ilalagay ng Department of Health (DOH) sa code white alert level ang lahat ng ospital sa lungsod ng maynila simula January 8, 2018 bilang paghahanda sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno.

Ayon kay Dr. Patrick Co ng DOH-National Capital Region, pagkatapos ng bagong taon, muli nanaman nilang paiigtingin ang paghahanda sa bawat ospital sa maynila para sa mga pasiyente na mangangailangan ng atensyong medikal dahil sa idaraos na prusisyon.

Sinabi rin ni Dr. Co na libre ang pagpapagamot sa mga pagamutan sa lungsod ng mga Manileño na masususgatan sa Traslacion.

Kasabay nito, nagpalabas ng paalala ang DOH para sa mga nais na sumama sa prusisyon at ito ay ang mga sumusunod: huwag nang magsama ng bata; kung buntis huwag nang sumabay sa traslacion; kung may sakit, mas mabuting manatili na lang sa bahay.

Pero para sa mga maysakit na talagang hindi mapigilang sumama sa prusisyon, pinapayuhan sila na isulat sa papel ang sakit at ilagay o idikit sa damit para sakaling mangailangan ng tulong medikal ay malalaman agad ng medical team ang gagawin.

Siguruhin din na nakakain ng maayos at palaging uminom ng tubig para maiwasan ang dehydration. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?